I "re-stormed" Makati

Tuesday, May 8, 2007

Matapos kong bagyuhin ang Makati mga ilang buwan na ang nakakaraan, kahapon, nagpunta uli't ako para suyurin ang mga opisina't kumpanya para sa trabahong babagay sakin -- na gusto ko.

May nakita kasi akong advertisement sa Jobstreet.com na nag hahanap ng isang gradweyt ng Computer Engineering. Nag submit ako ng online resume ko at naging "Under Consideration," pero naisip ko na baka mapataas ko ang tsansa ko na ma-hire kung personal akong pupunta sa kanilang opisina at maglulupasay na bigyan ako ng magarang trabaho.

Pero bago ako pumunta sa opisina nila dun sa may Rufino Building, nag punta muna ako sa isa pang kumpanya.

Mga around 8am ako dumating sa opisina nila sa 8th floor sa isang building dun lang sa likod ng PhilAm Life. Na bobo pa nga ako sa pinto nila kasi nakalagay pull, pero nung pi-null ko, hindi mahila-hila. Kelangan ko pa pala mag doorbell para i-release nung babae yung electronic lock chuva.

So nung nabuksan na yung pinto... syempre pumasok ako, alangan naman lumabas ako eh hindi pa naman ako pumapasok saan ako lalabas??? hehehe.

Nagfill up ako ng form tapos nag exam tapos ininterview, tapos sabi tatawagan nalang daw ako.

----
Commercial break muna:

Nanonood ako ng Homeboy ngayon. Nasa lie detector test si Joross. hahaha! 2 times sya nagsinungaling!

----

Tapos nun, nag thank you ako, tapos umalis na. Hehehe. Nag lunch muna ako, tinext ko pa nga yung 2 kong tropa kasi nagtrainees silang dalawa dito sa Makati. Sabi ko punatahan nila ako sa Mcdo, eh kumakain na pala sila, kaya ako nalang ang nagpunta sa labas ng building nila.

Nakakatawa kasi naka palda sila. Required daw kasi.

Tapos mga around 1pm dumaan ulit ako saMcdo, para ayusin yung pagkaka-tucked-in ng long sleeves ko. Hehe. Tapos yun nga... naglakad nanaman ako... nadaanan ko ang PBCom, at naalala ko ang nakaraan. LOL. Lakad. lakad. lakad.

At nakarating na nga ako sa OCC.

Sana naman... matanggap ako sa isa sa mga inaplayan ko. Huhuhuhu. Sumakit kasi ang paa ko sa pagpunta eh. Nilakad ko kasi mula Glorietta hanggang Paseo de Roxas. Hahahaha!

0 comments: