January:
January this year was a bit rough for me. Actually it was rough for all of my batchmates, dahil naghahabol na talaga kami ng oras for our despro (equivalent to thesis). Halos araw araw kami nasa Sta. Cruz, Manila to check with our consultant. Kaya nagkanda ubos ubos din yung pondo ko nung January. Halos hindi na nga kami nakakapagkita ni ex dahil nga sa sobrang busy sa projects at sa mga school activities. Ito rin yung month na nagkaron ako ng GAD (generalized anxiety disorder). Poota, I hate that feeling!
February:
Mas lalong naging busy dahil sa Engineering Days. Halos lahat ng events ako ang nag cocoordinate pero I see to it na kumikilos din ang mga council presidents. Ito rin yung time na napatawag ako sa property custodian's office at ang hindi ko malilimutang pag sugod ko sa college president's office. Hehe. Syempre, as an organization president sagutin ko lahat ng mga nangyayari sa org, at dahil sa kagustuhan kong maging successful ang mga events ko, medyo bina-by-pass ko ang mga rules. Hehe. Syempre kelangan pro-students ka.
Hindi ko akalain na tatalikuran ako ng org adviser ko nun time na yun dahil sa mga nangyari. Akala ko suporta sya kung suporta. Pero hindi... Haaay. Naiwan kami ng mga officers ko sa ere. Buti nalang nandun parin si Mam Jen at Mam Agnes, hindi kami iniwan.
Ito rin yung month na nasaktan ako. Siguro hindi lang talaga umubra. Refer to January events for more details.
At ang aking 10 days of hard work.
March:
Ito na ang pinakahihintay namin na buwan. Ang paghuhukom. Matapos ang 8 buwan na paggawa ng despro, defense na! Dami naming defense!
- Design Project (ultimate thesis)
- Networks (thesis)
- Cisco (project)
- Robotics (thesis)
Dami nga namin nakuhang awards sa DesPro eh. hehe. Pero ang pinaka pinagmamalaki ko ay ang Best Design! Yahoooo! Hindi ko makakalimutan kung gaano ako kasaya nung inannounce yun. Hihi.
Syempre March din ang buwan ng Graduation. Muntikan pa nga ako hindi drumadweyt dahil sa putang-inang Mandarin class ko! Hihi! Nag makaawa pa ako sa dean ng liberal arts na mag-eexam ako ulit ng finals. LOL. Ang sagwa! President ng engineering org, bumagsak sa Chinese class. Ewww.
Hindi lang yan ang sabit ko, me isa pa! haha! Thermodynamics. Poota naman kasi tong subject na to. 3rd year college pa ako nung bumagsak ako dito eh, pero nung 5th year ko lang kinuha -- ulit. Ewan ko ba, pero hindi ko talaga ma-take ang mga subjects ng ME! Sinusuka ng utak ko.
Anyways graduation time na! Masaya naman nung graduation, Kala ko iiyak ako. LOL. Pero hindi pala. Ang saya pa nung graduation, lahat kami magka block may medal. Hehehe. Talino kasi namin eh. hihi. Syempre ipagmamalaki ko rin ang nakuha kong award -- Best Org President, at ang nakuha ng org ko -- Best Organization! Yahoong yahoo!
April:
Wala akong maalala nung April. hehe. Pirmahan yata ng clearance nung time na yun. Haha. Basta ito ang time na napaka sarap pumasok sa school, knowing na tapos na ang 5 years of college ko dito (Total of 9 years including HS - fuck ang tagal ko pala sa Baste).
May:
Wala rin ako matandaan sa May. Haha. Ah! Yung swimming lang naming magpipinsan. Yun lang. hehe. Ang init nung May!
June:
Started looking for a job. Mga kung ano anong job. IT company job, BPO job, technical job and below job. LOL. Kidding!
June 27, habang nasa isang interview ako, tumawag sakin yung tita ko. Namatay daw yung baby nung cousin ko. Healthy naman sya nung pinanganak, pero kinabukasan basta bigla nalang daw namatay. Kawawa naman. SIDS yata ang tawag dun sa ganun.
Birthday ko June 28. Heheh wala lang share!
July:
Nang dahil sa "Good evening" ay may nakilala ako. hehe. actually kakilala ko na sya dati pa, pero hindi lang kami gaano nag uusap. Eh nag GM sya ng Good evening tapos nag reply ako, tapos yun... oo yun na nga! ^_^
Ito rin yung month kung saan na hire ako sa aking first below job ever! hehe. Below job kasi mababa palang naman pwesto ko... bottom ako dito ika nga. haha.
August:
Poocha wala rin ako maalala nung August. Basta alam ko nothing major naman ang mga nagyari nun. Ay hindi pala! Naalala ko na! Ito yung month na nag date kami! hehe.
September:
Napasa-akin na si Dharma! Ang aking notebook!
Nag night-out din kami ng ilang mga blogger friends ko sa Tiendesitas. Ito rin yung month na namaalam ang isa naming mahal sa buhay -- si lola.
October:
First time ko mag judge sa isang pageant. Hehe. Mahirap pala. Ang dami mong kailangan i consider, syempre you want to be fair and all, pero syempre you also would want to consider the possible outcome.
Ito rin yung month na sobrang emo ko. As in!
Tapos 1 month after nung last night-out ko with blog friends, we went out uli sa Metrowalk, kaso bad trip kasi may liquor ban! Pucha! Kaya ayun, feel na feel ko pa naman sumayaw nung time na yun! Pucha talaga! Hehe. Daming cute sa decades! Lalo na yung friend ni Ikay! wahahaha! Si D! Landeeeehh! haha!
November:
Isa to sa mga fave month ko! hehe. Walang exciting na nangyari. Well actually meron, hindi naman sya exciting, pero wag na nating pag-usapan yun. Haaaaaaay.
Sa work, lumipat lang kami ng office mula sa susyal na Makati nandun na kami ngayon sa sulok sulok ng Makati. Dian lang sa tabi tabi.
December:
Syempre isa rin to sa mga fave month ko! Masaya ako ngayong December kahit na naubos ang pera ko. Huhu. Bumili rin ako ng bagong bridge camera. Yung tipong point and shoot pero hindi SLR. Yung Sony DSC-H9. Mmmmuah! I love you Felicity! Hehe.
At ngayon, December 28, 2007, 10:02 AM, sa harap ng computer ko dito sa work, sinusulat ko ang mga nangyari sakin buong taon.
Hay! Alam mo part ka ng aking 2007! Alam mo ba yun?! Ha?!
8 comments:
what a year for u!! hope youll have a blast this 2008.
favor naman, pachange nman ng link ko to http://danieljr.wordpress.com bagong lipat ako eh. hehe anyways, tnx.. :D
naiyak ka naman sa post mong to ha rob? hehehe! di ko alam kung nagustuhan mo ang '07 mo pero kung oo, get ready for '08 mas masaya yun! hehehe, la lang, nagpapakapositive! haha.
Happy Nyuyir, Rob! :D
ang hectic naman ng 2007 mo! goodluck sa 2008!
pssst, happy new year!!
ahahaha, salamat at part ako ng iyong 2007 haha. uy ah, Sony DSC-H9 is good i should say. pero sana inipon mo na lang for a new slr hehe mejo malapit na rin ang price haha lalo na kung 20D ang bibilhin mo
Mukhang exciting ang 2007 mo. Buti naalala mo pa lahat yun? Kung wala kaya yun blog maalala mo pa yung mga dates? Happy new year!
dapat, ganito ang gagawin ko sa aking New Year post pero wala akong matandaang events... hehehe...
ganito din post ko nung nu yir ah. may piktyurs nga lang sken. bleh. hehehe
kala ko kasi sa multiply ka na lang nagpopost. keia ngaun na lang ulet ako nakabisita dito.
hehehe
hey rob, me internet na ko sa bahay sa wakas. mabubuhay na ulit blog ko
Post a Comment