Day 1 to day 4
Matapos ang aking L-O-V-E post, nararamdaman ko parin hanggang ngayon ang pagkaumay sa mga malalagkit na salitang aking binitawan. Parang mantika na nakabara sa aking lalamunan.
Sampung araw. Napatunayan ko na sa sampung araw na iyon ay maari akong maka-recover. Sa sampung araw nayon ay maaring magbago ang aking pananaw. Na maari akong magkasakit. Sa sampung araw kaya ko palang kumalimot.
Busy din kasi ako sa mga projects. Halos araw-araw nasa Carriedo, Mla. ako para bisitahin ang proyekto, siguraduhin ang mahusay na pag-gana at punahin ang mga mali.
Taranta narin kami, dahil nalalapit na ang defense noong mga panohong iyon. Pero awa ng Diyos, natapos naman, oo nga't kapos sa oras. Pero tama parin lang.
Alos-onse na nang makauwi kami mula sa aming consultant. May kalakihan ang aming desenyo kaya kinailangan namin ng isang pick-up truck -- pero nasan ang pick-up truck??? Wala. Kaya napilitan kaming isakay sa isang closed van, yun truck na kulay gray yung pintura tapos dun nilalagay yung mga deliber sa palengke. Yun nga lang uling ang dinedeliber nung naarkila namin. Pucha ilang oras lang, 3500 agad ang siningil samin.Gusto ko siyang saksakin ng ice-pick, pero pagod na pagod na talaga ako noon.
Day 5 to Day9
Ito na ang simula ng sunod sunod na araw na halos walang tulog. Pero tulad nga ng sinasabi ng ibang bloggers, "Mabuti na ang walang tulog, kaysa sa walang gising".
Kumbaga, itong mga araw na ito nai-push talaga namin ang aming mga sarili sa border line ng pagiging pagod. Buong araw nakaharap sa calculator at mga numero si Sepu, siya kasi ang in-charge sa Cost and Benefit Anaylsis. Ako naman ang nakatalaga sa ibang parte ng documentation pati narin ang User's Manual.
Kinabukasan nag maiuwi namin ang aming project, nagulat kami sa aming natuklasan. Ayaw na mag-boot ng PC na gagamitin namin para sa project. Nandoon pa naman lahat ng source code at wala pa kaming back-up. Medyo nataranta na ako, at nagisip ng paraan. Pero hindi ito epektibo. Mukhang kailangan na talagang ireformat. Base sa king obserbasyon, ito ay dulot ng isang dynamic link library file na ginagamit namin upang mapagana ang printer port ayon sa aming ninanais. Nakasaad sa documentation nito na maaring mag-crash ang system sa dahil sa compatibility issue.
Buti na lamang ay may kilala si Sepu na mahihiraman ng installer ng Windows XP at naayos naman ang problema.
May punto din na inalakala naming nasira ang improvised touch screen module. Dahil sa mabagal na pag pack-up nito ng signal na ipinapadala ng infrared.
Limang araw na halos walang tulugan. Goodluck.
Defense day. 7:30 am nasa school na kami, 9:00 am ang start ng defense at inaasahang matatapos to bandang 5:00 pm.
Naging maayos naman ang takbo ng demo. Kahit na medyo nagkaroon ng kaunting aberya sa hardware at software napahanga parin naman namin ang mga panelist. Ang dami nga nilang pinrint na pictures. Kunwari tinetesting, pero wag ka, nakakailang print na sila. Hehe. Naubos nga yung photo paper na dala namin eh.
Bago sabihin ang verdict, todo kaba kaming grupo. As in to the infinity ang kaba namin, wala kaming nagawa kungdi ang magdasal. Pakiramdam ko nga lalagnatin ako ng mga panahong iyon. Bumukas ang pinto -- at pinapasok na uli kami sa loob.
Ang verdict: minor-minor. Ibig sabihin, minor changes lamang ang gusto nilang mangyari sa documentation at sa prototype. Yehey!!!
Mga pictures
Sampung Araw
Saturday, February 24, 2007
Posted by Doubting Thomas at 10:44 AM
Labels: Design Project, School
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
Congrats Rob!
I always knew you could do it. ;)
yehey ggraduate nasiya. blowout ka ha! tamang tama uuwi ako sa april =D
Grabe! Limang araw kang HALOS walang tulog? grabe!
pero kung ako rin yun - para lang makagraduate, gagawin ko yuuun. :) syempre. hehehe.
but according to doctors and health specialists, sleep deprivation is VERY bad for your health. wala lang.
hihihihih.
sana mabawi mo na ang tulog mo! wwehehehhe.
Amiable fill someone in on and this enter helped me alot in my college assignement. Gratefulness you on your information.
Opulently I assent to but I dream the post should have more info then it has.
Post a Comment