Marley and Optimus

Monday, August 20, 2007

Kahapon nagkita kami ni Yom, yung vain, grade-conscious, weird (in a good way-- hehe) , serious na hindi (hehe) at mahilig sa basketball na Isko. Matalino 'tong batang to. Pinakitaan pa nga ako ng mga quizzes nya sa Math, kaya lalo akong nahilo.


Kumain muna kami sa Greenwich, kasi gutom na gutom na talaga ako. Kami yung kauna-unahang customer dun. Tapos, nalaman ko na hindi pala kumakain ng mga itim-itim na bagay sa pagkain si Yom. Hehe, may mga parang gulong ng Lego kasi yung pizza.

Pagkatapos nun, tuloy lang kami sa kwentuhan ng mga kung ano-anong bagay. Mga ideya, mga tungkol sa rally, buhay UP student, Theory of Relativity, Quantum Mechanics, Astral projections... pero syempre alam ko naman na alam nyo na jinojoke ko na kayo.


May mga nakakatawa pa ngang mga nangyari. Pano kasi ang kulet kulet. Hihi. Pero hindi ko na ikukwento lahat dito.

Pagkatapos naman ng siguro mga 2 ikot sa 2nd floor ng moa, napadaan kami dun sa piano lounge, at buti naman may bakanteng sofa. Nagpicturan kami dun, ayan nga yung mga pics namin oh! Ako yung naka green na Bob Marley tapos si Yom naman yung naka Optimus Prime na nabili nya last week sa... wag na baka magalit pa sakin yun. :P



Naghintay lang kami ng oras actually sa may sofa, kasi manonood kami ng Surf's Up. Hindi ako masyado nagandahan sa movie na yun, parang... Ha? Hehe.

Anyways, pagkatapos namin manood, nagdecide naman kami na maki salamuha sa mga katulad naming mayayaman. LOL. Kaya tumambay-tambay kami sa Starbucks at nag-rate ng mga dumaadan! Hehehe.

Ang baba mag rate ni Yom! Ako, ang ratings ko halos lahat 8 tapos sya 3 lagi. :|

Eto yung pics namin sa Starbucks.

Hehehe. Ang sungit ng tingin ko.

Kape lang ang katapat ni Yom para maging bangag!

Pagkatapos namin sa Starbucks, ay naglakad lakad namin kami at nag-canvass ng laptop, bibili kasi ako by the end of the month hopefully. Wee!

Nagsimba din kami sa Redemtorist church, at dun naganap ang hindi inaasahan! Bwahahahahaha! May taong naligo ng kape! :D

7 comments:

irish said...

hehehehe aus bonding nio ah... :P

Doubting Thomas said...

uu naman! :P

utakGAGO said...

waw libre naman ng starbucks dyan! lol.

errr, gulong ng lego? olives yun a? masarap naman yun ah!!

Doubting Thomas said...

utakgago,

maarte kasi sa pagkain eh. ayaw daw nya ng mga itim-itim sa pagkain. hehe.

kirbitz said...

Doubting thomas!

Your blogs just simply amaze me. Ganda ng layouts kabayan! Did you do it yourself?. Paturo naman ako paano. .hehe

I left a blog to your other blog.

Drop me a line on my blog regarding my queries thomy. . (oh dba, may nick ka na)hehe

-Kirby
http://kirbitz.blogspot.com

gerome! said...

ikaw talaga! pinagkalat mo pa ang kaartehan ko sa food! buti na lang at hindi mo sinabi kung saang part ng mall galing ang suot ko. haha! :D

paliguan din kita ng kape dyan eh! nabangag na kasi ako sa azuki. haha.

at bakit may stolen pic ako dyan? hindi ko alam ah. daya! hehe. :D

Doubting Thomas said...

yom,

galing ko mag kuha ng stolen shot no? pede na akong paparazzi? hehe.