Showing posts with label Personal. Show all posts
Showing posts with label Personal. Show all posts

How did 2007 treated me?

Friday, December 28, 2007

January:
January this year was a bit rough for me. Actually it was rough for all of my batchmates, dahil naghahabol na talaga kami ng oras for our despro (equivalent to thesis). Halos araw araw kami nasa Sta. Cruz, Manila to check with our consultant. Kaya nagkanda ubos ubos din yung pondo ko nung January. Halos hindi na nga kami nakakapagkita ni ex dahil nga sa sobrang busy sa projects at sa mga school activities. Ito rin yung month na nagkaron ako ng GAD (generalized anxiety disorder). Poota, I hate that feeling!

February:
Mas lalong naging busy dahil sa Engineering Days. Halos lahat ng events ako ang nag cocoordinate pero I see to it na kumikilos din ang mga council presidents. Ito rin yung time na napatawag ako sa property custodian's office at ang hindi ko malilimutang pag sugod ko sa college president's office. Hehe. Syempre, as an organization president sagutin ko lahat ng mga nangyayari sa org, at dahil sa kagustuhan kong maging successful ang mga events ko, medyo bina-by-pass ko ang mga rules. Hehe. Syempre kelangan pro-students ka.

Hindi ko akalain na tatalikuran ako ng org adviser ko nun time na yun dahil sa mga nangyari. Akala ko suporta sya kung suporta. Pero hindi... Haaay. Naiwan kami ng mga officers ko sa ere. Buti nalang nandun parin si Mam Jen at Mam Agnes, hindi kami iniwan.

Ito rin yung month na nasaktan ako. Siguro hindi lang talaga umubra. Refer to January events for more details.

At ang aking 10 days of hard work.

March:
Ito na ang pinakahihintay namin na buwan. Ang paghuhukom. Matapos ang 8 buwan na paggawa ng despro, defense na! Dami naming defense!

  1. Design Project (ultimate thesis)
  2. Networks (thesis)
  3. Cisco (project)
  4. Robotics (thesis)
Pero ang masasabi ko lang: MASARAP! Kahit na mahirap, Oo, masarap! Todo todo ang pagpupuyat, imagine halos 1 week kami na 2 hours lang ang tulog! At halos sa bahay na namin namahay ang mga ka groupmates ko. hehe. Awwww I miss that!

Dami nga namin nakuhang awards sa DesPro eh. hehe. Pero ang pinaka pinagmamalaki ko ay ang Best Design! Yahoooo! Hindi ko makakalimutan kung gaano ako kasaya nung inannounce yun. Hihi.

Syempre March din ang buwan ng Graduation. Muntikan pa nga ako hindi drumadweyt dahil sa putang-inang Mandarin class ko! Hihi! Nag makaawa pa ako sa dean ng liberal arts na mag-eexam ako ulit ng finals. LOL. Ang sagwa! President ng engineering org, bumagsak sa Chinese class. Ewww.

Hindi lang yan ang sabit ko, me isa pa! haha! Thermodynamics. Poota naman kasi tong subject na to. 3rd year college pa ako nung bumagsak ako dito eh, pero nung 5th year ko lang kinuha -- ulit. Ewan ko ba, pero hindi ko talaga ma-take ang mga subjects ng ME! Sinusuka ng utak ko.

Anyways graduation time na! Masaya naman nung graduation, Kala ko iiyak ako. LOL. Pero hindi pala. Ang saya pa nung graduation, lahat kami magka block may medal. Hehehe. Talino kasi namin eh. hihi. Syempre ipagmamalaki ko rin ang nakuha kong award -- Best Org President, at ang nakuha ng org ko -- Best Organization! Yahoong yahoo!

April:
Wala akong maalala nung April. hehe. Pirmahan yata ng clearance nung time na yun. Haha. Basta ito ang time na napaka sarap pumasok sa school, knowing na tapos na ang 5 years of college ko dito (Total of 9 years including HS - fuck ang tagal ko pala sa Baste).

May:
Wala rin ako matandaan sa May. Haha. Ah! Yung swimming lang naming magpipinsan. Yun lang. hehe. Ang init nung May!

June:
Started looking for a job. Mga kung ano anong job. IT company job, BPO job, technical job and below job. LOL. Kidding!

June 27, habang nasa isang interview ako, tumawag sakin yung tita ko. Namatay daw yung baby nung cousin ko. Healthy naman sya nung pinanganak, pero kinabukasan basta bigla nalang daw namatay. Kawawa naman. SIDS yata ang tawag dun sa ganun.

Birthday ko June 28. Heheh wala lang share!

July:
Nang dahil sa "Good evening" ay may nakilala ako. hehe. actually kakilala ko na sya dati pa, pero hindi lang kami gaano nag uusap. Eh nag GM sya ng Good evening tapos nag reply ako, tapos yun... oo yun na nga! ^_^

Ito rin yung month kung saan na hire ako sa aking first below job ever! hehe. Below job kasi mababa palang naman pwesto ko... bottom ako dito ika nga. haha.

August:
Poocha wala rin ako maalala nung August. Basta alam ko nothing major naman ang mga nagyari nun. Ay hindi pala! Naalala ko na! Ito yung month na nag date kami! hehe.

September:
Napasa-akin na si Dharma! Ang aking notebook!
Nag night-out din kami ng ilang mga blogger friends ko sa Tiendesitas. Ito rin yung month na namaalam ang isa naming mahal sa buhay -- si lola.

October:
First time ko mag judge sa isang pageant. Hehe. Mahirap pala. Ang dami mong kailangan i consider, syempre you want to be fair and all, pero syempre you also would want to consider the possible outcome.

Ito rin yung month na sobrang emo ko. As in!

Tapos 1 month after nung last night-out ko with blog friends, we went out uli sa Metrowalk, kaso bad trip kasi may liquor ban! Pucha! Kaya ayun, feel na feel ko pa naman sumayaw nung time na yun! Pucha talaga! Hehe. Daming cute sa decades! Lalo na yung friend ni Ikay! wahahaha! Si D! Landeeeehh! haha!

November:
Isa to sa mga fave month ko! hehe. Walang exciting na nangyari. Well actually meron, hindi naman sya exciting, pero wag na nating pag-usapan yun. Haaaaaaay.

Sa work, lumipat lang kami ng office mula sa susyal na Makati nandun na kami ngayon sa sulok sulok ng Makati. Dian lang sa tabi tabi.

December:
Syempre isa rin to sa mga fave month ko! Masaya ako ngayong December kahit na naubos ang pera ko. Huhu. Bumili rin ako ng bagong bridge camera. Yung tipong point and shoot pero hindi SLR. Yung Sony DSC-H9. Mmmmuah! I love you Felicity! Hehe.

At ngayon, December 28, 2007, 10:02 AM, sa harap ng computer ko dito sa work, sinusulat ko ang mga nangyari sakin buong taon.

Hay! Alam mo part ka ng aking 2007! Alam mo ba yun?! Ha?!

Sick and Tired

Monday, December 3, 2007

I must admit that I’m loosing my interest with blogging. But blogging’s been already a part of me and I’ve met a lot of nice person through their blogs that’s why I can’t just stop doing this.

Uhuh! Yeah! Can’t stop – can’t stop! LOL

Bluetooth Update: I fcuking FOUND it!

Saturday, November 3, 2007

Bwahaha! I found it inside my laptop carrying bag! Grr! It was there all the time, I only checked it once there coz I knew I used it and placed it at my table.

Hehe. Anyways, I've already uploaded the pics from last saturday night's gimik.

ddd
dThumbnaild
ddd

Just So You Know

Friday, October 12, 2007

I'll just fix myself, then I'll fix our friendship.


Related Reads:
Just so you know ver. 1.o
Tangina Pare
The Art of Letting Go

Dharma + Rob

Thursday, September 6, 2007

Dharma is the name of my new girlfriend. I love her. I love her so much. She's so sexy and beautiful.

She makes me wanna vomit little heart candies.

I love you Dharma.

Faaayyyaaarrr!

Sunday, September 2, 2007

Last Friday we had a fire drill; all the employees are required to participate. So the alarm rang and we didn’t panicked… we so didn’t panicked that it took us a minute more to leave our works behind and went down the fire exit.

At the parking area, we, the employees “organized” our selves. They should’ve put a fake fire, black billowing smoke and some “casualties,” you know just to add to the mood. But there was neither fire nor a smoke. Just a ring and a mega phone. LOL. A mega phone?!

Minutes later, I was the one on fire! LOL. Gawd. Naglabasan ang mga eye-candy sa building. LOL. I didn’t know na marami palang “pwede” at “ulam-material” sa building namin (Dis I just said that?! You bet I did! :D)

Haha. Iba’t ibang klase sila. May singkit, may mahaba buhok, may maigsi, may maputi, may tan. Napakanta nalang ako ng “Ring the alarm” ni Beyonce. Shet sana fire drill uli! HAHA

Haaay… this post is soo wrong. LOL.

OMG!

Friday, August 31, 2007

Ang bango nya! Sana makatabi ko ulit sya sa bus. Hehe.

Doookoootiiin moh

Saturday, August 25, 2007

Dear Magnanakaw ng Cellphone,

Una sa lahat, Putangina mo hayup ka! Naway nasa mabuti kang kalagayan. Ingatan mo ang cellphone ko na dinukot mo sakin habang siksikan tayo sa bus na byaheng LRT-Baclaran. Naway maibenta mo yan sa malaking halaga, upang maipambili mo ng kabaong mo.

Hanga ako sa istayl ng pandurukot nyo ng tropa mo. Kunwari na ou-out-of-balance ka pa para lalo kang dumikit sa akin. Madulas ang iyong mga kamay, at iyon ay aking hinahangaan. Nagawa mong madukot ang cellphone ko sa masikip kong bulsa ng hindi ko nararamdaman at walang nakakakita.

Sayang naman at bumaba ka agad sa may Washington street, pwede mo rin sana madukot ang pitaka ko na nakalagay sa likod na bulsa ng pantalon. Pero nakuntento ka agad at ang iyong ka-tropa.

Tang ina mo, kapag nagkita tayong muli, lahat ng depektibong battery ng Nokia ay ipapalulon ko sayo at saka ko papasabugin.

Ingat ka lagi.


Best regards,
Thomas

Marley and Optimus

Monday, August 20, 2007

Kahapon nagkita kami ni Yom, yung vain, grade-conscious, weird (in a good way-- hehe) , serious na hindi (hehe) at mahilig sa basketball na Isko. Matalino 'tong batang to. Pinakitaan pa nga ako ng mga quizzes nya sa Math, kaya lalo akong nahilo.


Kumain muna kami sa Greenwich, kasi gutom na gutom na talaga ako. Kami yung kauna-unahang customer dun. Tapos, nalaman ko na hindi pala kumakain ng mga itim-itim na bagay sa pagkain si Yom. Hehe, may mga parang gulong ng Lego kasi yung pizza.

Pagkatapos nun, tuloy lang kami sa kwentuhan ng mga kung ano-anong bagay. Mga ideya, mga tungkol sa rally, buhay UP student, Theory of Relativity, Quantum Mechanics, Astral projections... pero syempre alam ko naman na alam nyo na jinojoke ko na kayo.


May mga nakakatawa pa ngang mga nangyari. Pano kasi ang kulet kulet. Hihi. Pero hindi ko na ikukwento lahat dito.

Pagkatapos naman ng siguro mga 2 ikot sa 2nd floor ng moa, napadaan kami dun sa piano lounge, at buti naman may bakanteng sofa. Nagpicturan kami dun, ayan nga yung mga pics namin oh! Ako yung naka green na Bob Marley tapos si Yom naman yung naka Optimus Prime na nabili nya last week sa... wag na baka magalit pa sakin yun. :P



Naghintay lang kami ng oras actually sa may sofa, kasi manonood kami ng Surf's Up. Hindi ako masyado nagandahan sa movie na yun, parang... Ha? Hehe.

Anyways, pagkatapos namin manood, nagdecide naman kami na maki salamuha sa mga katulad naming mayayaman. LOL. Kaya tumambay-tambay kami sa Starbucks at nag-rate ng mga dumaadan! Hehehe.

Ang baba mag rate ni Yom! Ako, ang ratings ko halos lahat 8 tapos sya 3 lagi. :|

Eto yung pics namin sa Starbucks.

Hehehe. Ang sungit ng tingin ko.

Kape lang ang katapat ni Yom para maging bangag!

Pagkatapos namin sa Starbucks, ay naglakad lakad namin kami at nag-canvass ng laptop, bibili kasi ako by the end of the month hopefully. Wee!

Nagsimba din kami sa Redemtorist church, at dun naganap ang hindi inaasahan! Bwahahahahaha! May taong naligo ng kape! :D

I heart small things

Thursday, August 16, 2007

Yesterday was a complete pain in the ass. Gosh, I saw the news and even the President wasn't able to escape the baha all over Metro Manila. What I can't believe is the flood sa Makati area. I thought hindi binabaha ang Makati because its a business central. Anyways, enough of yesterday. I already had enough rants about it at my last post.

Today, is far different from yesterday (or any other day since I started working), because I'm early at work and I got a freebie from 7-11.

Hehe. Yeah, I got a free C2 Strawberry because I bought a Clubhouse sandwich. And this made my day. LOL. Hindi ko alam, pero I love receiving small things (it makes me feel special. ).

Kakatapos ko nga lang kainin yung sandwich and soymilk na I bought kanina, and I want to drink my C2 na! Hahaha. Parang first time ko palang iinom ng C2.

So there, sana magtuloy-tuloy ang ganitong mood ko this day, and I hope na walang atribidang gugulong neto.

Ta!

Shet naman talaga oh!

Thursday, July 19, 2007

Naiwan ko pitaka ko kanina sa bahay, kaya bumaba ako ng bus nang hindi nagbabayad. Kaya ayun na-late tuloy ako sa interview ko.

Nakakainis talaga. Ayos na ayos pa naman ako tapos bababa lang pala ako sa Kawit para hintayin yung pitaka ko na pinadala ko dun. Bwisit talaga.

Tapos edi eto na interview na, nagpa cute ako sa HR para hindi sya magalit sakin dahil na late ako. Interview... interview... interview... ayos naman. Nang biglang, mageexam daw ako. Isa pa ulet. Tapos pag tapos nun, iinterviewhin ako baka next next week nung head hr tapos yung indiano. ang haba haba haba naman ng proseso!

Tapos nungpaguwi ko bigla akong nahilo. nalipasan yata ako ng gutom... 1pm na kasi natapos yung exam.

Namiss kita... Green Man!

Sunday, July 1, 2007

Namiss ko tong blog ko na 'to. Ang dami ko kasing blog eh. Hehe, tapos gusto ko lahat ng blog ko active. Infairness mahirap pala yung ganun, tapos recently nag enroll pa ako sa isang product review site para naman magkaron ako ng extra income, kaso hindi naman marami ang offers dun sa niche na napili ko kaya petiks lang ako. In fairness ha maganda ako gumawa ng review technical man o hindi.

I "re-stormed" Makati

Tuesday, May 8, 2007

Matapos kong bagyuhin ang Makati mga ilang buwan na ang nakakaraan, kahapon, nagpunta uli't ako para suyurin ang mga opisina't kumpanya para sa trabahong babagay sakin -- na gusto ko.

May nakita kasi akong advertisement sa Jobstreet.com na nag hahanap ng isang gradweyt ng Computer Engineering. Nag submit ako ng online resume ko at naging "Under Consideration," pero naisip ko na baka mapataas ko ang tsansa ko na ma-hire kung personal akong pupunta sa kanilang opisina at maglulupasay na bigyan ako ng magarang trabaho.

Pero bago ako pumunta sa opisina nila dun sa may Rufino Building, nag punta muna ako sa isa pang kumpanya.

Mga around 8am ako dumating sa opisina nila sa 8th floor sa isang building dun lang sa likod ng PhilAm Life. Na bobo pa nga ako sa pinto nila kasi nakalagay pull, pero nung pi-null ko, hindi mahila-hila. Kelangan ko pa pala mag doorbell para i-release nung babae yung electronic lock chuva.

So nung nabuksan na yung pinto... syempre pumasok ako, alangan naman lumabas ako eh hindi pa naman ako pumapasok saan ako lalabas??? hehehe.

Nagfill up ako ng form tapos nag exam tapos ininterview, tapos sabi tatawagan nalang daw ako.

----
Commercial break muna:

Nanonood ako ng Homeboy ngayon. Nasa lie detector test si Joross. hahaha! 2 times sya nagsinungaling!

----

Tapos nun, nag thank you ako, tapos umalis na. Hehehe. Nag lunch muna ako, tinext ko pa nga yung 2 kong tropa kasi nagtrainees silang dalawa dito sa Makati. Sabi ko punatahan nila ako sa Mcdo, eh kumakain na pala sila, kaya ako nalang ang nagpunta sa labas ng building nila.

Nakakatawa kasi naka palda sila. Required daw kasi.

Tapos mga around 1pm dumaan ulit ako saMcdo, para ayusin yung pagkaka-tucked-in ng long sleeves ko. Hehe. Tapos yun nga... naglakad nanaman ako... nadaanan ko ang PBCom, at naalala ko ang nakaraan. LOL. Lakad. lakad. lakad.

At nakarating na nga ako sa OCC.

Sana naman... matanggap ako sa isa sa mga inaplayan ko. Huhuhuhu. Sumakit kasi ang paa ko sa pagpunta eh. Nilakad ko kasi mula Glorietta hanggang Paseo de Roxas. Hahahaha!

Doubting Thomas is in the house

Saturday, February 3, 2007

There will always come a point where in we get tired of something and sometimes the only way for us not to get tired of it is to leave it behind and look for something new -- something better.

Well, Doubting Thomas is not an exception. This blog is an attempt to realize Thomas' life, his views and if luck would ever hit him to prove his doubts wrong.