Umarte ka

Sunday, August 12, 2007

So yun nga, nag-inarte nanaman ako kagabi. Kasi nagselos naman talaga ako. Alam nya naman siguro yun. Masaya ako dahil masaya sya, at maayos yung relationship nila. Pero hindi ko naman kayang maging masaya para lang sa ibang tao. Meron din naman akong mga gusto (mostly mga carnal desires LOL joke) na kailangang masatisfy. At hindi ko na kaya yung ganitong set-up -- yung parang kunwarian. Alam ko din naman na hindi nya ako pipiliin, at mas lalong alam ko na isa nanamang kaimposiblehan ang iniisip ko... na alam mo na... yung mag level-up kami dito sa kung ano man ang tawag dito sa stage na'to.

Pano kaya 'to? Malamang hindi nyo rin to masasagot dahil ang gulo ng explanation ko sa taas.

1 comments:

jc said...

Dahil binisita mo ang blog ko, mag ko-comment ako.

Pre, lam na natin lahat kung ano yan. Tagilid ka nga dyan. Pasalamat ka at binibigyan ka ng espasyo (space). get the most out of it na lang. Ayos ba?

-- joke