Ang bango nya! Sana makatabi ko ulit sya sa bus. Hehe.
Malas kung Malas
Sunday, August 26, 2007
KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....
"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."
"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?
"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot."
"Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa bird show?
"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."
"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong 'yon. Hay, buhay!Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"
"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."
"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"
"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."
"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr. Arnaldo?"
"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."
"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"
"Yun pong pinampatay namin ng sunog."
"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo?"
"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po 'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy...."
"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a. Para saan yung kandila?"
"Para sa burol po."
"Ano? Kaninong burol?
"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu'ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko."
Anong binatbat ng "A Series of Unfortunate Events" ni Lemony Snicket jan. :D
Posted by Doubting Thomas at 8:47 PM 10 comments
Doookoootiiin moh
Saturday, August 25, 2007
Dear Magnanakaw ng Cellphone,
Una sa lahat, Putangina mo hayup ka! Naway nasa mabuti kang kalagayan. Ingatan mo ang cellphone ko na dinukot mo sakin habang siksikan tayo sa bus na byaheng LRT-Baclaran. Naway maibenta mo yan sa malaking halaga, upang maipambili mo ng kabaong mo.
Hanga ako sa istayl ng pandurukot nyo ng tropa mo. Kunwari na ou-out-of-balance ka pa para lalo kang dumikit sa akin. Madulas ang iyong mga kamay, at iyon ay aking hinahangaan. Nagawa mong madukot ang cellphone ko sa masikip kong bulsa ng hindi ko nararamdaman at walang nakakakita.
Sayang naman at bumaba ka agad sa may Washington street, pwede mo rin sana madukot ang pitaka ko na nakalagay sa likod na bulsa ng pantalon. Pero nakuntento ka agad at ang iyong ka-tropa.
Tang ina mo, kapag nagkita tayong muli, lahat ng depektibong battery ng Nokia ay ipapalulon ko sayo at saka ko papasabugin.
Ingat ka lagi.
Best regards,
Thomas
Metrostar Ferry at ang Kalye sa Dagat
Thursday, August 23, 2007
I was so excited when I heard the news that Metrostar Ferry Inc, will be operating again. This means that the 1.5 – 2 hours travel time that the Cavitenos endure everyday will be cut to 30 mins. But my excitement suddenly went away when the reporter revealed that it would cost a commuter between 60 pesos to 75 pesos depending on whether you are a student/senior citizen or an adult.
Maybe I’ll try Metrostar on a weekend. I don’t know why I would want to try it on a weekend, so don’t ask.
Another soon-to-be addition with the Government’s efforts in easing the EDSA-like-traffic at Bacoor is the on-going construction of the project I love to call “Kalye sa Dagat.” This road would connect Coastal road and Covelandia (just a few hundred meters past
I’m just wondering, would there be another toll gate at “Kalye sa Dagat?” If yes, then there would be 2 toll gates – one here and the other one at Coastal road.
Fantastic! Cavitenos are in an effing lose-lose (hehehe I hate the sound) situation here.
Haaaay. Teleportation anyone?
Posted by Doubting Thomas at 2:13 PM 10 comments
Marley and Optimus
Monday, August 20, 2007
Kahapon nagkita kami ni Yom, yung vain, grade-conscious, weird (in a good way-- hehe) , serious na hindi (hehe) at mahilig sa basketball na Isko. Matalino 'tong batang to. Pinakitaan pa nga ako ng mga quizzes nya sa Math, kaya lalo akong nahilo.
Kumain muna kami sa Greenwich, kasi gutom na gutom na talaga ako. Kami yung kauna-unahang customer dun. Tapos, nalaman ko na hindi pala kumakain ng mga itim-itim na bagay sa pagkain si Yom. Hehe, may mga parang gulong ng Lego kasi yung pizza.
Pagkatapos nun, tuloy lang kami sa kwentuhan ng mga kung ano-anong bagay. Mga ideya, mga tungkol sa rally, buhay UP student, Theory of Relativity, Quantum Mechanics, Astral projections... pero syempre alam ko naman na alam nyo na jinojoke ko na kayo.
May mga nakakatawa pa ngang mga nangyari. Pano kasi ang kulet kulet. Hihi. Pero hindi ko na ikukwento lahat dito.
Pagkatapos naman ng siguro mga 2 ikot sa 2nd floor ng moa, napadaan kami dun sa piano lounge, at buti naman may bakanteng sofa. Nagpicturan kami dun, ayan nga yung mga pics namin oh! Ako yung naka green na Bob Marley tapos si Yom naman yung naka Optimus Prime na nabili nya last week sa... wag na baka magalit pa sakin yun. :P
Naghintay lang kami ng oras actually sa may sofa, kasi manonood kami ng Surf's Up. Hindi ako masyado nagandahan sa movie na yun, parang... Ha? Hehe.
Anyways, pagkatapos namin manood, nagdecide naman kami na maki salamuha sa mga katulad naming mayayaman. LOL. Kaya tumambay-tambay kami sa Starbucks at nag-rate ng mga dumaadan! Hehehe.
Ang baba mag rate ni Yom! Ako, ang ratings ko halos lahat 8 tapos sya 3 lagi. :|
Eto yung pics namin sa Starbucks.
Posted by Doubting Thomas at 9:50 PM 7 comments
Labels: BeenThere Done That, Happy, Personal
Weepee! Baha!
Friday, August 17, 2007
Haha! No! I still hate floods. I'm just in a mood of celebrating because our boss let us leave early for work. Kaya masaya.
Sana naman hindi maulan sa Sunday. May importante kasi akong lakad.
Speaking of lakad, DFA is now issuing machine readable passports. La lang nabanggit ko lang, mag-aaply din kasi ako. Yeah.
Posted by Doubting Thomas at 4:40 PM 2 comments
I heart small things
Thursday, August 16, 2007
Yesterday was a complete pain in the ass. Gosh, I saw the news and even the President wasn't able to escape the baha all over Metro Manila. What I can't believe is the flood sa Makati area. I thought hindi binabaha ang Makati because its a business central. Anyways, enough of yesterday. I already had enough rants about it at my last post.
Today, is far different from yesterday (or any other day since I started working), because I'm early at work and I got a freebie from 7-11.
Hehe. Yeah, I got a free C2 Strawberry because I bought a Clubhouse sandwich. And this made my day. LOL. Hindi ko alam, pero I love receiving small things (it makes me feel special. ).
Kakatapos ko nga lang kainin yung sandwich and soymilk na I bought kanina, and I want to drink my C2 na! Hahaha. Parang first time ko palang iinom ng C2.
So there, sana magtuloy-tuloy ang ganitong mood ko this day, and I hope na walang atribidang gugulong neto.
Ta!
I Got Wet. Hehe.
Wednesday, August 15, 2007
Hay matapos ang dry spell, wet spell naman. Pucha naman oh. Bad trip talaga. I really hate the rainy season, lalo na kapag bumabaha or naabutan ako ng ulan sa daan.
Tulad nalang ng nangyari kanina. Ang lakas ng ulan grabe, tapos bumaba ako ng bus, wala naman prob kasi may payong naman ako. Edi lakad ako from Washington to Chino Roces (yeah nilakad ko kasi ayoko malate), pero lalong lumakas ang ulan, nararamdaman ko na, na basa na yung bag ko.
Edi nasa may Export Bank nako, kapag naghintay pa ako dun sa "Tawid" light, malalate ako, kaya nilakad ko nalang towards sa may office namin. Nakampucha, kakalampas ko lang dun sa may Hotel na maraming halaman, bahang baha na agad. Edi balik ako sa may kanto ng Chino Roces at Gil Puyat at this time, basa na yung kalahati ng pantalon ko dahil sa lakas ng ulan. Pag dating ko dun kahit medyo baha narin, go nalang ako sa pag tawid hanggang sa pumasok na yung tubig sa sapatos ko. Asar talaga.
Kaya eto ako ngayon, naka paa sa opisina at ginaw na ginaw. Gusto ko sana hubarin yung pantalon ko kaso naka boxers lang ako. LOL.
Hay asar talaga. Nasira ang araw ko dahil sa ulan na yan!
Gothica choo!
Tuesday, August 14, 2007
Wala akong magawa eh, kaya pinag tripan ko nalang ang sarili ko. Hehe.
Kumain ako ng pusit nyan tapos yung tinta nung pusit pinunas ko sa labi ko. Tapos nag pa over dose ako sa glutathione para pumuti talaga ako. Hehehe.
---
Sya nga pala, medyo ok na yung sugat ko from my operation. Lumarga na nga ako sa Makati eh.
Posted by Doubting Thomas at 9:32 PM 0 comments
Naku Naman!
Monday, August 13, 2007
Sinabi ko kasi sa kanya nung isang araw yung nararamdaman ko. Hindi ko naman kasi mapigilan na hindi magsalita about my feelings, feeling ko talaga mamatay ako sa selos. Pero inisip ko nalang, wala akong karapatang magselos. Oo nga't alam nya na may feelings ako sa kanya,pero as of now talagang friends lang kami.
Saklap.
Tapos eto, kasi sinabi ko sa kanya after my operation nung panahon na sobrang mamatay ako sa sakit ng sugat ng impaktang impacted molar. Nung mga panahon na yun, naghalo ang sakit ng puso at sakit na pisikal.
Ouch.
Tapos yun na nga, nag-inarte nga ako diba? Nakwento nya pala yun sa bestfriend nya. Tapos itong si bestfriend nag react. Tapos siya naman naging defensive. Tapos si bestfriend parang nagselos. Tapos siya na bad trip.
Bad Trip.
Hindi ko naman to gusto mangyari. Parang nice lang naman ako sa kanya. May point naman si bestfriend niya, pero ewan ko ba...
Ah basta, ewan.
Posted by Doubting Thomas at 8:56 PM 0 comments
Umarte ka
Sunday, August 12, 2007
So yun nga, nag-inarte nanaman ako kagabi. Kasi nagselos naman talaga ako. Alam nya naman siguro yun. Masaya ako dahil masaya sya, at maayos yung relationship nila. Pero hindi ko naman kayang maging masaya para lang sa ibang tao. Meron din naman akong mga gusto (mostly mga carnal desires LOL joke) na kailangang masatisfy. At hindi ko na kaya yung ganitong set-up -- yung parang kunwarian. Alam ko din naman na hindi nya ako pipiliin, at mas lalong alam ko na isa nanamang kaimposiblehan ang iniisip ko... na alam mo na... yung mag level-up kami dito sa kung ano man ang tawag dito sa stage na'to.
Pano kaya 'to? Malamang hindi nyo rin to masasagot dahil ang gulo ng explanation ko sa taas.
Posted by Doubting Thomas at 12:59 PM 1 comments
Labels: Love
Oh Gosh
Saturday, August 11, 2007
Oh gosh, later I'm gonna get my impacted molar extracted.
Oh gosh, I hope it won't get swollen.
Oh gosh, I have work on Monday and I can't afford to not show up on Monday.
Oh gosh, I'm scared.
Posted by Doubting Thomas at 8:09 AM 0 comments
Labels: Health, Impacted Molar, Teeth